April 13, 2012
Bagong Tipan
Alam natin na noong gabing siya’y ipagkanulo, hinugasan ni Jesus ang mga paa ng kanyang mga alagad bilang halimbawa ng pag-ibig na dapat nilang ipakita sa bawa’t isa. Ang halimbawang ito ay pagsasalarawan ng uri ng pag-ibig na kanyang ipinakita sa Krus: wala nang higit pang pag-ibig sa ganito, na ialay ng isa ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Nguni’t ang mga humiwalay sa kapatiran ay silang mga tumatanggi na may halaga para sa kaligtasan ang Krus at may kaugnayan ang mga ginawa ni Jesus sa kagustuhan at gawain ng Diyos. Ang mga ito — na marahil ay silang mga bumuo ng sektang Gnostiko — ay hindi naniniwalang si Jesus ay Diyos, at ang kamatayan sa Krus ay isang pangitain lamang at hindi tunay na nangyari.
Basahin ang kabuuan →
April 9, 2012
Bagong Tipan
Ang 1 Juan ay isinulat para sa mga kasapi ng sambayanan ng pananampalataya na nananatiling tapat sa mga turo ng apostol Juan. Sila’y nanatili sa buklod ng pag-ibig samantalang may mga ibang humiwalay ng landasin. Ang mga ito’y tinawag ni Juan na mga “anti-Cristo”, mga kalaban ng Cristo (1 Jn. 2:18-19). Ang mga ito’y hindi naniniwala sa kaligtasang tinanggap mula sa Krus ng Cristong ipinako.
Basahin ang kabuuan →