Nagpapagaling

Ang Gawain Para sa Kaharian (Markos 1:29-39)

by biblista on 2012/01/18

Balangkas ng Markos 1:29-39

  • Si Jesus sa Cafernaum
    • Ang Pagtuturo sa Sinagoga (21-28)
    • Sa Tahanan ni Simon Pedro (29-31)
    • Ang Pagpapagaling ng Maraming Tao (32-34)
    • Sa Kinaumagahan (35-38)
  • Pagtatapos (39)

Pansinin na ang salaysay sa Markos 1:29-39 ay pagpapatuloy ng unang araw ni Jesus sa Cafernaum.

Daloy ng Parirala

29Agad silang umalis sa sinagoga
at pumunta sa bahay
nina Simon at Andres.

Kasama nila

sina Santiago at Juan

.

30Ang ina ng asawa ni Simon
ay nakaratay na nilalagnat.
Agad nilang sinabi kay Jesus

ang patungkol sa kaniya.

31Nilapitan siya
at ibinangon ni Jesus

na hawak ang kaniyang kamay.

Kaagad na umalis

ang lagnat ng babae

at ito ay naglingkod

sa kanila.

32Sa pagdapit-hapon,
pagkalubog ng araw,

dinala nila kay Jesus
ang lahat ng mga maysakit
at ang mga inaalihan ng demonyo.

33Ang buong lungsod ay nagkatipon

sa may pintuan

.

34Marami siyang pinagaling na may iba’t ibang sakit.
Nagpalayas din siya ng maraming demonyo.

Hindi niya pinayagang magsalita ang mga demonyo

sapagkat kilala nila kung sino siya.

35Nang madaling-araw na, habang madilim pa, si Jesus

ay bumangon at lumabas.

Pumunta siya

sa ilang na dako
at doon ay nanalangin.

36Hinanap siya

ni Simon at
ng kaniyang mga kasama.

37Nang makita nila siya
ay sinabi nila:

Hinahanap ka ng lahat!

38Sinabi niya sa kanila:

Tayo na sa mga kabayanan
upang makapangaral din ako roon

sapagkat iyan

ang layon ng pagparito ko

.

39Kaya sa buong Galilea,

si Jesus ay nangaral
sa kanilang mga sinagoga

at nagpalayas ng mga demonyo.

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Saan nagmula si Hesus bago pumunta sa bahay ni Simon?
  2. Sinu-sino ang kasama ni Hesus? Saan unang nakatagpo ni Hesus ang mga ito? Bakit
  3. kasama-sama sila ni Hesus?
  4. Sino ang maysakit? Ano ang kanyang sakit?
  5. Ano ang ginawa ni Hesus sa maysakit?
  6. Ano ang “reaksyon” ng lagnat?
  7. Ano ang tugon ng babaeng gumaling?
  8. Kailan natatapos ang araw ng mga Hudyo?
  9. Ano ang ginagawa ni Hesus paglubog ng araw?
  10. Ano ang kanyang bilin sa mga demonyo? Ano ang sekreto ni Hesus?
  11. Paano inuumpisahan ni Hesus ang kanyang araw?
  12. Bakit siya pinuntahan ni Simon? Ano ang tugon ni Hesus kay Simon?
  13. Ano ang kaugnayan ng pagpunta ni Hesus sa ibang pook at ang kanyang pahayag sa pagdatal ng paghahari ng Diyos?

Maiksing Paliwanag

Pagkatapos ng pagpapalaya ng isang taong inaalihan ng masamang espiritu sa sinagoga, si Jesus ay tumuloy sa tirahan ni Simon kung saan ang biyenan nitong huli ay nakaratay dahil sa lagnat. Pinagaling din ni Jesus ang babae; hinawakan niya ang kamay nito at “itinayo”. Ang pandiwang ginamit dito ay salitang may kaugnayan sa muling pagkabuhay. Gumaling naman ang babae. Ang lagnat ay parang masamang espiritung lumayas. Bilang ganti, nanilbihan ang babae sa kanila — kay Jesus at sa kanyang mga alagad.

Isang aspetto ng paninilbihan ni Jesus ay ang tinatawag ng mga dalubhasa na “sekreto Messianiko”. Pinatatahimik ni Jesus ang mga masasamang espiritu dahil alam nila kung sino siya. Hindi ba’t tinawag siyang “Ang Banal ng Diyos”? Ayaw ipaalam ni Jesus kung sino siya sapagka’t ito’y maaaring makadagdag lamang sa di-pagkaunawa sa kanya. Siya’y makilala ng ganap pagkatapos ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.

Pansinin ang t. 32 at 35. Dito’y ibinigay ni Jesus ang ilang indikasyon ng oras. “Sa pagdapit-hapon, pagkalubog ng araw” at “nang magmadaling-araw na, habang madilim.” Nag-umpisang magdatingan ang mga magpapagaling kay Jesus nang matapos na ang Shabat, ika-anim ng gabi. Dahil nga tapos na ang Shabat sa gayong oras, maaari nang magpagaling si Jesus. Hindi natin alam kung kailan natapos ang kanyang gawain. Nguni’t alam nating hindi pa sumisikat ang araw ay nakabangon na si Jesus upang manalangin. Pagkatapos manalangin, nalaman ni Jesus mula kay Simon na may mga naghihintay pa sa kanya upang magpagamot. Ito’y palatandaan na ang unang araw ni Jesus sa Capernaum ay isang tagumpay. Ngayo’y maraming makakakilala sa kanya. Nguni’t nagpatuloy si Jesus sa kanyang pagpapahayag sa ibang mga nayon ng Galilea. “Dahil dito kung bakit ako’y dumating,” sabi niya. Sa gayo’y isinalarawan ni Markos kung paanong inumpisahan ni Jesus ang kanyang paninilbihan. Walang puknat ang kanyang pag-gawa; panalangin lamang ang kanyang pahinga.

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: