Balangkas ng Markos 2:1-12
- Si Jesus sa Bahay sa Capernaum (1-2)
- Ang mga taong nagdala ng paralitiko (3-4)
- Ang pagpapatawad sa paralitiko (5)
- Ang reaksyon ng mga guro ng kautusan (mga eskriba) (6-7)
- Ang tugon ni Jesus at ang pruweba ng kanyang kapangyarihang magpatawad (8-11)
- Ang Pagkakagaling sa Paralitiko (12a)
- Ang Reaksyon ng Madla (12b)
Ang Teksto
muling pumasok si Jesus
Kumalat ang balita
2Kaagad na natipon ang maraming tao,
anupa’t wala nang matayuan kahit na sa may pintuan.
Ipinangaral niya ang salita sa kanila.
3At pumunta sa kaniya
4Hindi sila makalapit kay Jesus
at binutasan ang bubong sa tapat niya.
Kanilang inihugos
5Nang makita ni Jesus
sinabi niya
Anak, pinatawad na
6Ang ilang mga guro ng kautusan
sa kani-kanilang sarili:
Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?
Hindi ba ang Diyos lamang?
8Nang matalos ni Jesus sa kaniyang espiritu ang kanilang pagtatalo,
sinabi niya sa kanila:
9Alin ba ang higit na madaling sabihin sa paralitiko:
o tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?
10Upang inyong malaman
sasabihin ko ito sa kaniya:
buhatin mo ang iyong higaan
at umuwi ka sa iyong bahay.
12Kaagad na
at binuhat ang kaniyang higaan
at umalis sa harapan nilang lahat.
Kaya nga, ang lahat
at niluwalhati ang Diyos
na nagsasabi:
ay hindi tayo nakakita
Mga Katanungan Tungkol Sa Teksto
- Taga-saan si Hesus? Paano siya napapunta sa Capernaum? Kanino siya nakikitira sa Capernaum?
- Ano ang sakit ng taong dinala kay Hesus? Sino ang nagdala?
- Nadala ba agad nila ang may-sakit kay Jesus? Ano ang pumigil sa kanila? Paano nila nadala ang maysakit kay Hesus?
- Kaninong pananampalataya ang napansin ni Hesus? Sinasabi bang nanampalataya ang maysakit?
- Batay sa iyong sagot, ano ang sasabihin sa mga taong nagsasabing si Hesus ay nagpapagalling lamang ng mga taong may pananampalataya?
- Ano ang sinabi ni Hesus na hindi nagustuhan ng mga eskriba? Sino ang mga eskriba?
- Diyos lamang ang maaaring magpatawad. Tama ba ang nasa isip ng mga eskriba?1
- Ano ang pruweba ni Hesus na mayroon siyang kapangyarihang magpatawad?
- Napagaling ba niya ang maysakit?
- Ano ang reaksyon ng mga nakakita ng ginawa ni Hesus?
Maiksing Paliwanag sa Teksto
Sa puntong ito ng salaysay ni Markos tungkol sa paninilbihan ni Jesus, ay ipina-paunawa sa atin na dahil sa mga naririnig na balita sa kanya (tingnan, 1:45) ay talagang pinanabikan din ang kanyang pagbabalik sa Capernaum. Ang “bahay” na binabanggit dito’y malamang na yung bahay ni Simon. Ayon kay Markos agad na napuno ang tahanan mula sa bakod hanggang sa may pintuan. “Wala nang matayuan sa may pintuan”, paniniguro ng ebanghelista.
Sa gayong kalagayan ay dumating ang apat na tao na may dala-dalang paralitiko. Nakita nila ang maraming tao, nguni’t ito’y hindi pumigil sa kanila. Iniakyat nila sa bubungan ang kanilang pasan-pasan at binutasan nila ang bubungan at inihugos doon ang paralitiko. Dahil sa pananampalataya nila — pananampalatayang maparaan — pinatawad ni Jesus ang paralitiko sa lahat ng kasalanan nito.
Una, mapapansin na pinatawad ni Jesus ang tao dahil sa pananampalataya ng mga nagdala sa kanya. Ikalawa, hindi lamang pinagaling ni Jesus ang paralitiko kungdi pinatawad din niya ito sa pagkakasala.
May maraming ehemplo ng mga okasyon na kung saan si Jesus ay nagpapagaling ng isang tao hindi dahil sa pananampalataya nito kungdi ng iba. Maalala ang salaysay tungkol sa senturyong Romano, ang babaeng Cananea, ang kaso ng anak ni Jairo. Ganito rin ang ginagawa ng Iglesya kapag binibinyagan niya ang mga sanggol sa pananampalataya ng kanilang mga magulang at ninong at ninang.
Ang pandiwang isinasalin natin sa “gumaling” ay ang salitang Griyego na maaari ring isalin ng “naligtas”. Ang kaligtasan ay kagalingan, at ito’y tinatanggap sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ito ay idinidiin sa salaysay.
Ang reaksyon ng mga eskriba — ang mga eksperto sa Kautusan ni Moyses — ay negatibo: Diyos lamang ang nakapagpapatawad ng kasalanan. Kung gayon, si Jesus ay namumusong.
Para sa isang Kristiyano na nabasa na ang kabuuan ng Bagong Tipan, ang pangangatuwiran ng salaysay ay ganito:
Diyos lamang ang nakapagpapatawad ng kasalanan (kaya’t tama ang tinuran ng mga eskriba);
Si Jesus ay nagpatawad ng kasalanan
Ergo, si Jesus ay Diyos.
Ipinakita nga ni Jesus na may kapangyarihan siyang magpatawad ng kasalanan nang kanyang pagalingin ang paralitiko. Kung sa umpisa ng salaysay, ang tao’y nakahiga’t umaasa sa lakas ng kanyang apat na kasama, sa bandang huli, siya’y tumayo at mag-isang umuwi na karga-karga ang kanyang higaan. Ang reaksyon ng madla ay hinalaw mula sa isang talata ni Isaias (48:7)
Ngayon ko pa lamang ito gagawin;
wala pang pangyayaring katulad nito noon
para hindi ninyo masabing ito’y alam na ninyo.
Ang “bagong” bagay na ito na ginawa ni Jesus ay pagsasakatuparan ng “bagong bagay” na saloobin ng Diyos para sa kanyang bayan (tingnan Isaias 43:18).
- Tama [↩]
You must log in to post a comment.
{ 1 trackback }