Balangkas ng Markos 1:12-15
- Pagkatapos ng Bautismo
- si Jesus sa ilang (12-13)
- tinutukso ni Satanas
- kasama ng mga hayop na mailap
- pinaglilingkuran ng mga anghel
- si Jesus sa ilang (12-13)
- Pagkatapos na Makulong ang Bautista
- si Jesus sa Galilea
- ang pagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos (14)
- ang kanyang mensahe (15)
- si Jesus sa Galilea
Ang Daloy ng Parirala ng Markos 1:12-15
13Apatnapung araw siyang naroroon
at tinutukso
Ang kasama niya roon
At pinaglingkuran siya
14Pagkatapos maipabilango
pumunta sa Galilea si Jesus
15Sinasabi niya:
at malapit
at sampalatayanan ninyo
Mga Tanong tungkol sa Salaysay
- Saan nanggaling si Hesus bago siya itinaboy ng Espiritu? Ano ang ipinaalam sa atin bago itaboy si Hesus sa ilang?
- Saan nanggaling ang Espiritung nagtaboy kay Hesus? (Pagkatapos nito anong uri ng espiritu naman ang itataboy ni Hesus?)
- Saan itinaboy si Hesus? Bago itinaboy si Hesus sa ilang, ano na ba ang nangyari sa ilang? Ilang araw si Hesus sa ilang?
- Alamin ang kahalagahan ng bilang na apatnapung araw sa Lumang Tipan dito: BibleGateway
- Ano ang nangyari sa kanya duon?
- Sino si Satanas? Alamin dito kung saan-saang talata sa Bibliya binabanggit ang ngalang “Satanas”: BibleGateway
- Bukod kay Satanas, sino ang kasama niya duon? May kasama siyang tao? Ano ang kalagayan ni Hesus sa ilang, masaya ba?
- Ano ang ginagawa ng mga anghel kay Hesus?
- Kailan nag-umpisang ipahayag ni Hesus ang ebanghelyo?
- Ano ang itinawag ni Markos sa ebanghelyong iyon?
- Ano ang laman ng ebanghelyong ipinahayag ni Jesus?
- Ano ang dahilan ng pagsisisi at pagbabagong-buhay?
- Bukod sa pagbabagong-buhay ano pa ang iniuutos ni Hesus?
Maiksing Paliwanag tungkol sa Salaysay
Dalawang yugto sa buhay ni Jesus ang ipinapakita sa maiksing salaysay sa Markos 1:12-15: ang apatnapung araw na itinigil ni Jesus sa ilang ng Judea, at ang kanyang pagbabalik sa Galilea upang umpisahan ang kanyang gawaing ipahayag ang “ebanghelyo ng Diyos”.
Pagkatapos na siya’y mabautismuhan,si Jesus ay sinabing “itinaboy” ng Espiritu sa “ilang”. Ang “ilang” na tinatawag dito ay ang disyerto ng Judea na malapit sa lugar na paninilbihan ni Juan Bautista. Si Jesus ay tumigil doon ng apatnapung araw, marahil ay upang pagnilayan ang mensahe ng Tinig mula sa langit na nagsabing “IKaw ang aking Anak; ang aking kinalulugdan”. Sa ilang ay tinukso siya ni Satanas. Sa ebanghelyo ni Mateo ni Lucas, ang pagtutuos ni Satanas at ni Jesus sa disyerto ay tungkol sa pagiging “Anak ng Diyos” nitong huli. At mula rin sa mga salaysay ni Mateo at ni Lucas, alam natin kung paanong nagapi si Satanas nang ipagpilitan ni Jesus na ang kanyang pagiging Anak ng Diyos ay ipinapakita sa kanyang buong-buong pagtalima bilang Alipin ng Diyos.
Isinasalarawan ni Markos ang kalungkutan ni Jesus sa disyerto; wala siyang kasama roon kungdi ang mga hayop na maiilap. Ito’y isang larawan ng unang Adan bago nito makatagpo ang kanyang magiging asawa. Bagaman malayo sa tao, hindi naman malayo sa pangangalaga ng Diyos si Jesus. Para siyang si Elias na pinagsisilbihan ng mga anghel sa ilang.
Ang ikalawang yugto ng buhay ni Jesus (tt. 13-15) ay ang kanyang pagbabalik sa Galilea upang ipahayag ang ebanghelyo. Nabasa na natin ito sa salaysay ng pagtawag ng mga unang alagad. Sa paliwanag sa mga talata ng 13-15 ay ating tinalakay ang mga sumusunod na tema:
- ang takdang panahon
- ang kaharian/paghahari ng Diyos
- ang pagsisisi at pagbabalik-loob (metanoia)
Tungkol sa pagtutuos ni Jesus at ni Satanas sa ilang, ito ang sinasabi ni Papa Benito XVI:
Ihinahayag ng unang Linggo ng ating paglalakbay sa Cuaresma ang ating kalagayan bilang mga tao dito sa mundo. Ang matagumpay na pakikihamok laban sa tukso — ang umpisa ng misyon ni Jesus — ay isang paanyaya na kilalanin natin ang ating kahinaan upang matanggap natin ang Grasya na nagpapalaya sa kasalanan at nagdudulot ng bagong lakas kay Cristo, ang Daan, Katotohanan, at buhay. Ito ay isang malakas na pagpapa-alala sa hinihingi ng ating pananampalatayang Kristiyano: sa ating pagsunod sa ehemplo ni Jesus at pakikiisa sa Kanya, tayo ay sumasama rin sa pakikipaghamok “laban sa mga kapangyarihang panginoon ng karimlan sa daigdig (Eph. 6:12), kung saan ang Demonyo ay gumagawa at walang kapaguran, kahit ngayon, na tuksuhin ang sinumang nagnanais mapalapit sa Panginoon. Ngunit dito si Cristo ay nagwagi na upang buksan ang ating mga puso sa pag-asa at ituro sa atin ang daan upang puksain ang panghahalay ng Kasamaan.

You must log in to post a comment.
{ 1 trackback }